Recent update
Wakus
February 24th, 2006 by kwentongbayan
Akala ko nakalimutan ko na sya. Until the other night, alone in a Frisco bound jeep, his name
suddenly crossed my mind, at nalungkot ako bigla.
Wakus. Yun ang tawag ko sa kanya. A figment
of the imaginative four-year old version of moi. Imaginary friend. Kami lang kase ng ate ko ang bata
sa pamilya noong mga panahong yon. Kaya pag di ko na masakyan ang mga trip nyang manika at
bahay-bahayan (seryoso), eh bumabaling ako kay Wakus. Sometime later, nung malaki na ko, i found out
from my nanay na at some point, kinabahan na sila ng tatay ko. Baka daw abnoy ako; autistic ganyan;
or baka bukas ang third eye ko at may kaibigan akong mga dwende tulad ni Pardina. Hanubayun.
I never saw him, yet I believed in his existence. (O di ba, parang Diyos). In retrospect, I
got the name from a comic strip sa back cover ng Pambata magazine. Pero when I chanced upon a really
old Pambata sa aming bodega, and checked that strip again, wala namang character na Wakus. Wacko ang
pangalan nya. Kung bakit naging Wakus ay malaki pa ding palaisipan.
He really was my best
buddy. Ang hideout namin noon ay sa ilalim ng hagdanan, sa gilid ng TV. Kapag pinapagalitan ako ng
nanay ko, dun ako nagtatago, at umiiyak (yes, bata pa lang madrama na ko). And i’ll pour out my
sadness to Wakus. And he listened. I knew he did. Because after my childish sobs, i’ll come out of
the hideout happy again, relieved and ready to play. Pero di ko sya kasama maglaro. Naiiwan lang sya
don sa madilim na sulok na iyon.
At sa gabi, kapag takot ako sa dilim at di makatulog, alam
kong katabi ko sya. Isa sya sa mga unan na nakapalibot sa akin. Sya yata yung pulang unan na may
puting polkadots. Warm and soft (parang dough). Tapos yun yung pantatakip ko sa mukha ko para
makatulog ako.
Pag bumibisita ang mga pinsan ko, at aalis na sila, sobra akong
nalulungkot. Syempre iyak na naman ako. Pero andyan na naman sya. And i remember, i used to tell
him, in verbatim: "Wakus, tayo na lang dalawa ulit…"
Madalas ako magwhine
about friends not being real friends. Madami akong issues about my high school barkada, na they do
not reciprocate the quality of friendship that i give to them. Pero now I realize na ako din, in a
way, ay naging masamang kaibigan.
Weird kaya, if I did not forget about Wakus? Kung sinama ko
sya sa paglalaro, or sa school, or even now…kung sya pa rin ang kakausapin ko kapag wala na akong
mapagbuntunan ng mga depressions ko sa buhay? Siguro nga weird. Pero natural lang siguro na
nakalimutan ko na sya ng ganon. Syempre I went to school, met new friends…real friends na pisikal
ang existence. Yung nahahawakan at napipindot…at nababatukan. Pero none of them made me feel the
same warmth and security the way I felt when Wakus was around.
Nasan na kaya sya?
Lumaki
din kaya sya tulad ko? O katulad ko ba sya? Naalala ko tuloy ang kaisa-isang Stephen King na binasa
ko, yung Dark Half. Yung pseudo twin ng bida ay inilibing nila, yet nabuo sya as the alterego ng
bida. Exact opposite nya. Alterego ko din kaya si Wakus? Magkaibigan pa din kaya kami ngayon?
Magugustuhan ko ba sya? Isusuka ba nya ko?
I imagine him now, at wala akong mukha na maisip.
He never had a face. (Pano ko kaya sya inimagine non? Pano sya naging imaginary friend kung blanko
lang ang pag-imagine ko sa kanya?) I guess it would be hard to imagine him with a face, or give a
physical representation to his existence. Because I do not have a reference. I don’t think i ever
will. Wala pang tao ako na nakilala na nagpaalala sa akin kay Wakus. Yung katulad nya na makikinig
sa kahit anong drama mo sa buhay; someone who’ll stay when all the rest leaves you behind; yung
hindi ka pagtatawanan kung iiyak ka, o kung sobrang baduy at hindi bagay sayo ang mga isyu mo sa
buhay; yung mababalikan mo, kahit na iwanan mo sya. He was at my beck-and-call.
Pero
nabaon ko na sya sa limot. Kinalakhan. Katulad ng mga bagay na kinakalakihan ng isang bata…laruan,
damit, sapatos. Lahat ng iyon, di ba, napakahalaga sa atin. Pero pag may bago nang kapalit,
nalilimutan na din natin. San na kaya yung espadang ginawa ng tatay ko para sakin? San na kaya yung
lucky shirt ko na cabbage patch kids? At yung mighty kid ko na umiilaw? Malamang alam ng nanay ko
kung san napunta lahat ng yon. Pero si Wakus, ako lang nakakaalam kung nasan sya.
Pero di ko
din masabi kung nasan sya. Malamang hindi na sya babalik.
Di na ko nagtatago sa ilalim ng
hagdanan (giniba na yung lumang bahay namin). Di na ko pinapagalitan ng nanay ko. (Kung pagalitan
man nya ko, papagalitan ko din sya). Sanay na din akong matulog mag-isa, with the lights off. Wala
akong naging kaclose sa kahit isa sa mga pinsan ko na iniiyakan ko dati pag umaalis. Di ko sila
namimiss.
Pero si Wakus namimiss ko.
Posted in Uncategorized | | | 1 Comments
Categories
- Uncategorized (115)
Archives
- February 2008
- January 2008
- September 2007
- August 2007
- July 2007
- June 2007
- May 2007
- April 2007
- March 2007
- February 2007
- January 2007
- November 2006
- October 2006
- September 2006
- August 2006
- July 2006
- June 2006
- May 2006
- April 2006
- March 2006
- February 2006
Blogroll
