Recent update

Subscribe to RSS feed

Why am I not surprised…

July 28th, 2006 by kwentongbayan

31993180948138l

Hinihintay ko na lang si Serena Dalrymple. Dati ang pinepredict ko ay si Aiza Seguerra, but we all know that’s way too far from happening. And I wouldn’t be surprised if Sarah Geronimo will follow, as she jokingly said during an interview sa TV Patrol dahil 18 na sya. Jokes are half meant after all. Sex sells, inevitable. Gusto kong kumain ng fishball. Hanlabo.

Posted in Uncategorized | | | 2 Comments

I remember the days…In ramdom

July 13th, 2006 by kwentongbayan

1. Kapag bumabagyo sa probinsya, tuwang-tuwa ako. Bukod sa walang pasok, wala ring kuryente, malamig at mahangin, baha sa silungan namin, at naglalaro lang ako ng mga bangka-bangkaan.
2. Chance din yun at excuse para pumasok na nakatsinelas. Something that I’ve always envied sa mga kaklase ko. Kase di ako pinapayagan na pumasok na hindi nakashoes.
3. Di pa uso ang mp3, pati CD. So when I like a song, I buy a casette copy of the album from which it came from. Tas after a while, mahal ko na lahat ng kanta sa album na yon.
4. Ang kalimitang probinsya gimik namin nung elementary ay ang mamiyesta sa kung saan man fiesta na kaklase namin. The best yung fiesta kina Cathy, kung saan meron silang malawak na manggahan. After eating, tatambay kami at manunungkit ng mga mangga.
5. We have our Practical Arts classes nung grade 5 sa isang luma at medyo sira-sira nang kwarto na kung tawagin ay "shop". Biglang umulan ng malakas at nagbrownout at lahat kami’y natrap sa kwarto gawa ng nagbaha na sa labas ng room. Lahat ng tao ay nagpapanick at yung mga girls nagsisiiyak. Parang katapusan na ng mundo noon.
6. Nung lumindol ng July 16, Grade 3 ako noon. Naglalaro kami ng harang taga/patintero nang biglang lumindol. Sumakay kami sa isang school service ng katabing school to run for cover. Si Jackie na kalaro ko noon iyak nang iyak. Para syang gago. Joke lang.
7. Sobrang na-adik ako sa morning cartoons ng ABS. Nung pasukan na ulit, ibibilin ko sa yaya ng kapatid ko na panoorin nya ang Cedie para makwento nya sa akin kung ano ang nangyari for the day’s episode. Kaya updated pa din ako tulad ni Nelson Canlas.
8. Nagrerun ang Princess Sarah sa hapon nung summer of ‘94. Eh I was taking up typing classes for that summer, afternoon classes. Pagtuntong ng 3:30 nagpapaalam na ko sa aking teacher na si Ma’am Edith. May kaklase naman ako ng 2:30 pa lang nagpapaalam na. Nacurious silang lahat kung bakit may fixed sked ng paguwi kami. They later found out na ako, I go home to catch Princess Sarah. Yung isa naman, para maabutan ang Mr. Kupido.
9. I was (still am) a Shaider fanatic. May time na nahiwa ng tatay ko ang daliri nya, at inutusan nya ako na bumili ng band aid. Laking galit nya nang malaman nya na hindi pa ko bumibili as he ordered. Sa halip, plano ko munang tapusin ang Shaider bago ako bumili. Sabi nya, mas mahalaga pa daw sa akin ang panood ng TV. Pano daw kung ikamamatay na pala nya yung sugat na yon. Tay, medyo eksaherado ka. But he has a point.
10. Ang aking unang attempt to have a journal ay mga grade 2 yata ako. Sobra akong pinagalitan ng Nanay ko dahil ayokong maligo. Wala lang, feel ko lang maglaro maghapon at huwa magbasa. Kinaladkad nya ko papunta sa banyo at pilit akong pinaliguan. That was my first ever journal entry. Suggestion pa ng nanay ko, "Nak ilagay mo: dear diary, nagngagawa ako na parang baka ngayon dahil pinagalitan ako ni Nanay."
11. May superfriend ako nung elementary na si Suzette Arias. Nagkasakit yung kapatid nya ng malubha. At nafeature sila sa Lingkod Bayan ng TV Patrol at pinuntahan pa ni Mel Tiangco yung kapatid nya sa bahay nila. (I wonder kung nasan na sya ngayon…si Mel Tiangco. Joke.)
12. Isa pang superfriend ko ay ang pinsan ni Ryza Cenon at apo ni Aling Ponciana (of the Ponciana’s Resto along Timog) na si Lenard. May-ari sila ng isang medyo fine dining na resto sa probinsya namin. Lagi nya kami pinapakain doon for free sa kung anu-anong okasyon. Bukod sa birthday nya, sineselebreyt din namin ang Valentine’s Day, Halloween, at kung kelan nya biglang maisipan na magpagrand pakain. I miss those days…the free food…na uber sarap.
13. First memory ko ng bagyo. Sa sahig kami natutulog ng nanay ko. Ayaw nya sa kama. Paggising ko, nakahila na away from the windows yung higaan namin. Bumabagyo pala kase at malakas ang hangin. Dun lang kami the entire day. Dinedeliveran lang kami ng tatay ko ng food at dun kami nag pipicnic baga. Siguro that’s the reason why I love the "masungit" na panahon.
14. Lagi kong naiuuntog yung younger brother ko nung baby pa sya. Kahit di ko naman sinasadya. (Meaning may times na sinadya ko. Joke lang.) Kaya lagi akong pinapagalitan. Kahit hindi ko na kasalanan ang pagkauntog nya, ako pa din ang sinisisi. Theme song ko nun: ako ang nakikita, ako ang nasisisi, ako ang laging may kasalanan. (With the abrupt ending)
15. Sobrang eventful ang elections for student council nung high school. Ang give aways ng mga kandidato ay bookmarks. Pag mayaman ang kandidato, printed ang bookmarks nya. Pag medyo poor, handcrafted ito. Na actually, mas mabenta pa nga. Kase the candidates play around it. May mga shapes o kaya cartoon characters. Snoopy or Hello Kitty, ganyan. Ako for more pinking scissors lang ang naging korte ng mga bookmarks ko. Pati campaign posters ay hand written galing sa mga scratch papers from my typing class.
16. Ang pambansang sports namin nung gradeschool ay ang pinoy version ng football. Dalawang group, isang magpapagulong ng bola at isang sisipa ng bola. Ang bola ay yung cheap plastic ball na ang design ay mala-basketball. Pinaghahandaan ito ng mga tao. People wear their best rubber shoes para mas malakas ang sipa. Malakas ako sumipa noon, pero laging nasasalo ng taga kabilang team (meaning the player is out), o kaya ay umo-ober da bakod (meaning out din). Isa pang naimbentong rule sa football ay ang kuryente: kapag ang nasipa nang bola ay dumaan sa base ng kalaban.
17. Naging past time pa namin nung grade 4 ay ang panunungkit ng mga ballpen, lapis at kung anek-anek pa na nahulog sa ilalim ng sahig ng room namin. Ang room namin noon ay ang kwarto ng gobernador general (or kung sino man yung town head noong panahon ng Kastila). Lumang munisipyo kase yung building. Wooden floors. Kaya sa pagitan ng floors ay may mga nahuhulog na kung anu-ano. Paramihan pa kami ng nasusungkit na pens and pencils.
18. Ang lumang munisipyo na ito is a must see in our town. Napreserve pa yung glory of the Spanish era architecture. Ito yung Spanish town complex style, kung saan ang munisipyo at church ay magkatabi at sa harapan nila ay ang town plaza. I can still remember that building. Yung room ng nanay ko (teacher sya sa school namin) ay yung balcony area. Tapos sa baba naman, yung mga selda area ay for mga lower sections. (Kinawawa daw talaga sila.) May grand staircase din leading to the upper lobby, kung saan madalas akong madulas noon.
19. Unang beses kong nasapak ay nung grade 5, courtesy of Mark Pablo. Actually, di sya sapak, more of malakas na batok na parang sampal na ewan. Nagbibiruan lang kami non, at bigla na lang nya akong sinaktan. Di ko na maalala kung bakit at kung anong hirit ko ang hindi nya nagustuhan. Di na yata ako nakaganti nun dahil sa aking pagkabigla.
20. Isa pang kinabaliwan ko ay ang Ang TV. (4:30 na!). Favorite segment ko yung ATV News kung saan newscasters sina Marnie Zaleta at Sarji Ruiz. Ginamit ko pa nga itong peg, mala spoof sa isang demo class namin nung grade 5. Filipino ang subject at ako’y naatasang magrecord ng isang radio newscast (talagang pumoproduksyon na ko nun pa man). Tas ginamit kong SFX ang tunog ng aming bagong bagong brickgame. Yung tunog kase nya pag nagrotate ka ay katunog ng TV Patrol jingle. Tapos sobrang tuwang-tuwa yung mga teacher kase ginaya ko sina Marnie at Sarji. Ako pareho yung nagboses sa kanila. Gudlak.
21. Mahilig akong magmana ng kung anu-ano sa Ate ko. Bago ko pa minana ang dati nyang apartment at ang sangbagutak nyang mga abubot, namana ko na sa kanya ang pagkahilig sa RX, Magic at LS FM; pagiging Alaska fanatic; pag-aalive-alive sa church; pagbabasa ng mga nobela; pagbili ng mga casettes; at siguro, ang pagkagusto sa buhay telebisyon. Yun ang original dream nya at talagang gusto nyang course sa college. Ako naman, teaching ang pangarap. Apparently, nagkapalit kami ng direksyon.

Posted in Uncategorized | | | 8 Comments

Wash and Learn sa Cinemalaya

July 5th, 2006 by kwentongbayan

I never thought na makakasama ako sa isang "pelikula" (talaga daw quote unquote eto). TV lang ang hinangad ko. But thanks to my filmmaker friends (naks!), heto’t hindi lang programang pantelebisyon ang aking ipaplug. Sumisine na din daw. Thanks to digital cinema.

Labada_poster_copy

Ako po’y bahagi ng isa sa mga finalist sa short film category ng Cinemalaya ngayong taong ito, sa pelikulang "LABADA" ni Raz de la Torre. Kung paano ako naging bahagi…panoorin nyo na lang.
Exciting ito promise! I mean, exciting kung paano ako naging bahagi. (Hanlabo.)

Kasama din ang short film ng aking kaibigang si Sunshine Matutina, ang "PUWANG", kung saan tampok si Roence Santos (mga ENB friends,panoorin nyo ‘to).

Sa ilalim po ay ang mga iskedyul ng showing.

PROGRAM A:

1. 10:25 ng Gabi
2. Gee-Gee at Waterina
3. Kwarto
4. LABADA (by Raz dela Torre)
5. No Passport Needed

PROGRAM B:

1. Orasyon
2. Parang Pelikula
3. Putot
4. PUWANG (by Anna Isabelle Matutina)
5. Sa Silaw

SCHEDULE FOR PROGRAM A: (which includes
LABADA)

Tues, July 18 – 12:45pm (CCP Main Theater)
Weds, July 19 – 9:00pm (CCP Main Theater)
Thurs, July 20 – 9:00pm (Multi-Purpose Hall)
Fri, July 21 – 6:15pm (CCP Little Theater)
Sat, July 22 – 12:45pm (CCP Little Theater)

SCHEDULE FOR PROGRAM B: (which includes
PUWANG)

Tues, July 18 – 3:30pm (CCP Main Theatre)
Weds, July 19 – 6:15pm (CCP Little Theatre)
Fri, July 21 – 9:00pm (Multi-Purpose Hall)
Sat, July 22 – 9:00pm (CCP Main Theatre)
Sun, July 23 – 12:45pm (CCP Little Theatre)

Advisable na manood kayo ng Wednesday, para you can catch both "LABADA" and "PUWANG", 9PM and 6:15PM respectively.

There will also be an exhibition of last year’s Cinemalaya finalists, kasama ang pelikulang "PANAGINIPAN" also by Sunshine Matutina. Bahagi din po ang inyong abang lingkod sa naturang pelikula. Kung papano, eh panoorin nyo na lang. Narito ang sked:

THE SIX CINEMALAYA SHORTS (2005)
– which includes PANAGINIPAN by Sunshine
Matutina Tues, July 18 – 6:15pm (Silangan Hall)
Thurs, July 20 – 9:00pm (Dream Theatre)

You may contact me if you want to buy tickets, at kayo’y ikokonekta ko sa mga kinauukulan.

Festival Passes are available for P750 only which entitles you to watch all the films, kahit anong oras
niyo gusto at kahit ilang beses.

There’s also the Day Pass which is only P200 and it entitles you to watch any film the whole day, meaning, you can watch up to 5 films (or more kung kasama shorts) because there are 5 screenings a day.

Regular ticket prices are at P100.

SULIT NA SULIT, ika nga ni Allan K.

Manood kayo please! WE NEED YOUR FULL SUPPORT! Lalo na for the short films. (Syempre wala naman ako sa full length eh. Haha! Joke.) Suportahan natin ang buong festival.

Kitakits!

P.S.
The festival will open on July 17 with Jeffrey Jeturian’s film, KUBRADOR at 6:00pm. This is open to the public and there will be cocktails… daw.

Saka pala, pwede kayong sumigaw ng "KILALA KO YAN!" pag nakita nyo pangalan ko sa credits. haha. Ampanget.

Salamat po,

NORMAN

Posted in Uncategorized | | | 2 Comments

Not so Smart

July 4th, 2006 by kwentongbayan

Sobrang nanggigigil lang talaga ako sa Smart. I have been a Smart subscriber since I first got my phone nearly six years ago. At wala pa naman akong major reklamo sa kanila, except for their not very friendly customer "care" people whom you call when you have queries, etc.

Pero marahil dahil sa advent of unlimited texting, at ang pababaan ng presyo ng SMS, nasasacrifice ang accuracy at service sa mga subscribers. Ilang beses na na hindi ko natatanggap ang mga messages from friends, mas terible if it’s from officemates dahil ito’y business related. May pagkakataon na din na muntik ko nang inaway ang kapatid ko dahil hindi sya nagrereply sakin. When I called him up, wala daw silang natanggap na anything. And it was a three-part message which I sent twice para nga makasiguro! Leche talaga.

Hindi lang mga Smart people ang nagrereklamo. Pati mga Globe people may problema din. Common stories na ang "sending failed" kuno, pero the recipient receives the message twice, or thrice, or until the sender stops sending and finally gets "message sent". At napansin ko nga, most of the Globe people double sends their messages. Gudlak sa mga load natin.

At just yesterday, I received this text from a valid cellphone number. 09104212398. Heto ang message:

"Uy, me Mega discover ako! Voicetxt! nakakatipid nko sa tawag! Try m tawagan ang *7990911 para sa libre na instructions. Sobrang ok!"

Heto pa isa. From the same number:

"Hi mga Friendships! May nadiskubre akong libreng service…as in, librent dowloads at tips! Walang bawas sa load ‘to kaya yos! Text mo lang LIBRE sa 409."

Hindi ko alam kung pakulo na naman ito ng aking mobile communication provider, pero it’s irritating. Nagpapanggap na hindi text promo. Well, hindi nga naman sya text promo, technically speaking kase hindi sya yung mga text alerts coming from mga 2366 numbers. Isa naman syang text spam. Things you really do not want to receive and couldn’t care a damn about. May "friendships" pang nalalaman. Feeling ko tuloy si Ruffa Mae Quinto ang nagtext.

Minsan naman nagdownload ako ng ringtone sa MYX. So na-on yung alerts from them. For a time, sige, okay lang. Tas naging nakakairita na sya, kase maya’t maya eh may alert. So I turned it off. MYX HOTTONES yata yung alert na iyon. And it was turned off. A few weeks after though, MYX started sending SMS alerts again about their downloads for the week. Eh hindi naman ako na nagsubscribe. And I thought I already turned it off. Well, binago nila ang pangalan. Imbes na HOTTONES, ginawang HOTHITS. Ganda di ba?

Since lagi lang akong nagpapa-e-load, I get these "freebies" kuno whenever magpa-eload ako. Eh halos araw-araw ako nagpapae-load. So araw-araw din akong nakakatanggap ng operator logo na Superman. As if naman everyday ko kailangan ng lecheng logo na yun. eh ang panget panget kaya.

Even calls can sometimes be problematic. Nadadivert minsan sa ibang tao. Lalake yung tinatawagan mo, tas babae yung sasagot at sasabihin na hindi nya kilala yung hinahanap mo. Hay.

Gusto ko na talagang magsend ng formal complaint sa customer service nila. It’s just sobrang irritating. Binabawasan ka ng load when you send messages, pero walang assurance if it gets received naman. Kahit pa Smart to Smart pa ang texting. Nakakabwiset. Bakit kapag promotionals eh kagaling nilang magsesend ng messages. Walang paltos. Why can’t they translate the same accuracy ang efficiency sa kanilang services, be it calls or text deliveries? It makes me think na these mobile communication companies, not just Smart, are spending way too much on advertising (pansinin nyo lang, napakadami nilang ads), pero not enough to assure that their subscribers get their money’s worth. Nakakapikon. Mahalaga ang piso no!

Matagal lang kase ang litigation sa Pilipinas. Pero happy siguro if I push a case to court, tas manalo ako, and Smart has to pay me like lifetime na libreng load…o kaya libreng 3G Phone. Ahahah! (Parang si Mutch, na binigyan ng sangkaterbang GCs ng Tapa King after she complained about their delivery service). Pero hindi naman talaga yun ang hangad ko (seriously). I just want my money’s worth.

Sabi nila, businessmen should be grateful to customers who complain, because it means that the customer is giving them a chance to explain and improve their service; otherwise, the customer can just quit affording the services of this company and go around bad mouthing it (or backfighting, ika nga ng mga kajologsan dyan).

Hindi naman ako nambabackfight. Sharing in the city lang.

Posted in Uncategorized | | | 0 Comments

Categories

Archives

Meta