Recent update

Subscribe to RSS feed

Dahil sa paglutang ni Lozada…

February 10th, 2008 by kwentongbayan

At sa mga nakakapikon na pangyayari sa trabaho…Bigla kong namiss ang aking first job!!! Namiss ko ang Eskwela ng Bayan!!! At ang maraming nakakatuwang bagay na kasama nito.

1. Namiss ko ang pagsakay sa MRT papuntang Ortigas, kasabay ng mga yuppie tuwing rush hours. Na naka polo slacks at leather shoes, mailbag at cane type na payong pa ito.

2. Namiss ko na ang magtaping sa isang studio na may kung anu-anong elemento (mga costumes, mga puno na kakaunti lang ang dahon, mga patsi-patseng lupa, mga dayami na nakakasulasok, harinang ginawang ashfall, kalabaw na may mukha sa leeg, script na napakatagal bago maapprove).

3. Namiss ko yung kainan sa likod ng Emerald Building. Sa halagang bente pesos, solb na!

4. Namiss ko ang malakas na hangin sa parking lot. Sa sobrang taas ng mga bilding sa paligid, don pumpunta lahat ng hangin sa maliit ng building namin.

5. Paghiga sa pinagdugtong-dugtong na Women’s Magazine, na yung glossy cover ang hihigaan mo.

6. Awayan sa xerox machine ng mga PA na major challenge ang makapagrecycle ng bond paper.

7. Pagandahan sa taping announcement ang bawat show. Napilitang matuto ng photoshop ang mga hindi marunong.

8. Mga taartits na mga bagets na dating pinapanood mo lang sa Sineskwela at kung saan saan pang children’s show. At pag aagawan pa ng apat na show kung kanino dapat lumabas yung taartits. At sobra kang mabibwiset pag some trying hard kid (na obviously pinilit lang ng nanay na mag artista yung bata) ang mapunta sa’yo.

9. Ang mastarstruck kapag nakita mo si Kuya Bodjie at yung feeling na gusto mong kumandong sa kanya at magpakwento. Yiiii!

10. Maggawa ng tape logs at shot list at masigurong lahat ay nashoot ng maayos. (At yung feeling na magaling ka pa sa direktor kase nakikita mo ang mga di nya nakikita.)

11. Yosi break kasama ang mga kabarkadahang yumoyosi sa pinakamalapit na bukas na bintana. Nakasalampak sa maduming sahig. Masarap na kwentuhan habang nagkakape sa pulang Nescafe Classic na tasa na may pangalan mo sa ilalim para di manenok ng iba.

12. Maliit ang opisina, sandamakmak ang tao, pero hindi ka nasisikipan! Maluwag ang paligid para sa energy at creativity ng mga tao! (a. Nakakamiss din yung wooden swing!!! b. Nakakamiss kapag dumarating si Diday na pretty girl na anak ng boss namin at kakanta kami ng Cool With You na may blending pa!)

13. Mga crew na mukhang manyak, na sa paglipas ng panahon ay sobra mo nang naappreciate sa kanilang hardwork. Pati sense of humor nila naappreciate ko na din.

14. Ang pagpapangarap sa araw-araw na maging isang Floor Director (na iniisip pa na ito ang coolest job ever).

15. Makiabang kung may extra food ang mga nagteteyping sa bawat araw (para makalibre ng lunch o kaya ay dinner…mwehehe…kunwari papasyal lang sa studio makikiusisa. Pero yun pala…)

16. Manood ng sine pagkatapos ng nakakapagod na taping kasama ang mga kapatid at kinakapatid kong PA. Di bale nang walang social life. Yung professional life na ang nagiging social life mo.

17. Ang aking kapatid na PA na si Myracel Cruz! (Kapatid nasan ka na?) =(

18. Ang pumila para sa kakarampot na sweldo. (7k less taxes kumusta). Pero hindi mo alintana ang liit nito. Walang presyo ang fulfillment at advocacy na binubuno sa araw-araw.

19. Nakakamiss ang feeling ng walang kapaguran. Sa kabila ng walang tulugan na editing.

20. Nakakamiss ang feeling na you’re on the right track, at alam mo na ang ginagawa mo ay para sa ikabubuti ng nakararami mong kababayan (taliwas sa tila nais ipahiwatig ng iba na wala kang utang na loob sa bayang nagpaaral sayo)…na parte ito ng pagsasagawa ng tungkulin ng isang isko…idealismo kung idealismo!

21. At syempre…crumush ng mga tao sa kabila ng clear glass…at sa loob ng admin office. Mwahahaha!

Hay. Mamamatay na kase ako sa sandamakmak na deadline. So eto. Kahit sandali nangangarap na sana hindi nabago ang mga bagay-bagay. Sana pwede pa yong balikan. (Malacanang, show us the money!!!) Lech.

Madami akong pictures, pero nawawala ang CD ko. Ito na lang. Masabi lang na may picture.

Posted in Uncategorized | | | 2 Comments

First Bug (Should Die)

February 7th, 2008 by kwentongbayan

After only almost four months, I’ve finally encountered my first Mac bug.

This is through my superbeloved baby Ipod Classic 80gb (where all of what could have been my entire life’s savings went to) (Ohshiyet, dejavu itong pagtatype ko na ‘to about this topic…shyet. So this was planned….)

Nidrain ko lang ang battery because I never charge unless it’s empty (but when I sync it automatically charges, so kumusta naman). So eh di ayon, nagchacharge na (the usual apple logo when a charger is detected even appeared). But when I went back after some four hours to check, gudlak…the screen is garbled. Only lines of all sorts of colors could be seen. But the clicks of the scroll can still be heard. And it was still able to play the first song in the playlists (A1 - Caught in the Middle) - Oo meron ako nito! Bat ba!

Takte. Before the ipod (and before I was able to save up for it), my Sony walkman was my life. (No music, no life). Just imagine kung pano muntik gumuho ang mundo ko upon seeing the LCD all garbled. Lech!!!

Wala namang nangyaring masama sa kanya. Never ko pa sya nabagsak. Never nabunggo. Any press of the buttons won’t work. (I learned from somewhere that Mac’s version of ctrl+alt+del is menu+center button). But it won’t work!!!

So I tried plugging it sa laptop. It got detected and even updated all the new songs and videos i added. Pero garbled pa din sya.

I always had this belief na I always, always have a way around techie problems. And I haven’t really failed (except when my work computer’s motherboard crashed).

Restart, unplug. Plug again. There. Biglang sabi ng itunes na corrupted daw ang Ipod. Gudlak.

So now i’m trying to restore it with the latest software (which two weeks ago did not work, so I switched back to the original version). I checked some forums and many have complained (or at least nag-rant) about this. Thank God for the forums. At least I don’t feel alone.

Kinontact ko na yung pinagbilhan ko. Pag di to gumana I swear i should get a replacement. Mamamatay ako kapag hinde.

Sana magwork ang restore. I have firm belief on restore options. It always works for my windows problems.  But this is Mac now that I’m dealing with.

Sabi ko na eh. Ayoko talaga ng Mac. hay.

Bakit ganon? No matter how careful you are, despite taking all possible safety precautions, things are bound to get broken. Hay.

Keeping my fingers crossed.

Posted in Uncategorized | | | 3 Comments

Categories

Archives

Meta